Thursday, October 17, 2019

Entry 5: Kompyuter

Sa bawat pagkuha ng impormasyon, ito ang nagigng midyum sa pagkalap ng kaalaman sa gitna ng globalisasyon. Ayon sa aming pananaliksik, ang kompyuter ay isang elektronikang gamit na patuloy na pinapaunlad upang matugunan ang yumayabong na nasa bahagi ng selpon, kalkulator, laptop, ATM at iba pang kagamitan na nakukunan ng iba't ibang impormasyon. 


Mahalaga ang kompyuter sa tao, lalo nasa mga mag-aaral. Mahalaga ito sa edukasyon sapagkat napapabilis ang pagkuha ng datos at impormasyon dahil sa internet at mahalaga rin ito sa komunikasyon sapagkat napapabilis nito ang pag konekta sa ibang tao lalo na yung mga malalayo. 


Entry 4: Sto. Nino Shrine

             Pagnarinig natin ang salitang simbahan, ang unang papasok sa ating mga isipan ay isang gusali kung saan dito nananalangin ang mga tao. Sa simbahan sinasaulog ang misa ng iba't ibang okasyon. Isa sa mga sikat na simbahan sa Butuan ang Sto. Nino Shrine.                   
                      

 Sto Niño Diocesan Shrine na mas kilalang Sto. Niño Parish o Sto Niño Shrine, na matatagpuan sa Maharlika Highway, Libertad ng syudad ng Butuan. Ito ay simbahang Katolika at  isa sa mga makasaysayang lugar ng Butuan. Itinatag ito noong 1986 at idineklarang Diocesan Shrine noong 2000. Ang Sto. Niño ay isa sa malaking simbahan ng Butuan na dinarayo ng mga deboto. Ang Sto. Niño Shrine ay pinaniwalaan na dito unang lumapag si Magellan dala ang imahe ng Holy Child (Sto. Niño). 

/

Entry 3: Silid-aklatan

                   Silid aklatan, pagnarinig mo ito, ang unang papasok sa iyong isipan ay mga koleksiyon ng mga aklat. Ang silid aklatan ay nagpapakaloob ng isang makasaysayang kaalaman. Halos lahat ng paaralan ay mayroong silid aklatan dahil isa ito sa pinupuntahan ng mga mag-aaral kapag may gagawin sila ukol sa kanilang asignatura.                            
                                             
Ang silid aklatan ay malaking tulong sa bawat tao, lalo na sa mag-aaral dahil nagbibigay ito ng impormasyon, kaalaman at aral na mapupulot sa mambabasa. Ang mga estudyanteng gusto ng tahimik na lugar ay kadalasang sa library ang kanilang punta. Ang silid aklatan ay tahimik at maraming estudyante ang makikita. 
Sa larangan ng asignatura malaking tulong ang silid aklatan. ito ang pangunahing takbuhan lalo na kong may ginagawa kayong pananaliksik. dito kayo makakakuha ng mga datos na may kinalaman sa inyong pananaliksik, ang mga impormasyon ay kapani-paniwala. 

Entry 2: Bulaklak


           Ang mga bulaklak ay maganda sa paningin kahit na anong uri pa ito. Isa ito sa mga idinedesenyo sa bahay at kung saan pa. Ang bulaklak ay nagbibigay ng kagandahanan at sigla sa mga tahanan na wari'y walang kasigla sigla.


Ang Bulaklak
Sa tuwing ika'y pinagmamasdan
Pakiramdam ko'y gumagaan
Ang iyong gandang matanglaw
Nabibighani ang pusong uhaw

Sa mundong ating ginagalawan
Sa saya at kalungkutan
Bulaklak ay mamumukadkad parin

Bulaklak na may taglay na kagandahan
Sa mata’y masarap pagmasdan
Lalo na ang halimuyak nito’y
Nagpapagaan sa pakiramdam

Bulaklak ay pahalagahan
Tulad sa ex mong iyong inalagaan
Pero ikay pinabayaan at iniwan 

Entry 1: Tablea


Kahit saan tayo magpunta isa sa mga bagay na nakaugalian na nating gawin ay bumili ng mga pasalubong sa pamilya’t kaibigin natin. Isa sa  magandang pasalubong kapag pumuta ka sa Tago Surigao del sur ay ang kanilang ipinagmalaking Tablea. Isa ito sa mga sikat na pampasalubong.
 May isang pamilyang unang gumawa ng ganyang produkto sa Surigao del sur at ipinangalan itong “Narda’s Pure Tablea”. Ang tablea nila ay gawa sa purong cacao lamang. Maraming paraan sa paggamit ng Tablea, nasa sa iyo na kung saan ka komportable.

Entry 10: Nasuga Beach Resort

Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwede kang mag pahinga at magsaya kasama ang kaibigan at pamilya? Paborito mo ba ang dagat? Gusto m...