Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwede
kang mag pahinga at magsaya kasama ang kaibigan at pamilya? Paborito mo ba ang
dagat? Gusto mo bang masaksihan ang paglubog ng araw sa tabing dagat?
Magtampisaw na sa Nasuga Beach Resort!
Isang maganda at perpektong lugar na
nag-aantay sayo. Makikita mo palang ang asul na tubig mahihikayat kanang
magtampisaw. Masarap sa pakiramdam at mag-aliw sa lugar na may sariwang hangin
na nanunuot sa balat. Nakakaaliw sa mata ang magarang tanawin sa buong karagatan
lalo na ang paghampas ng alon sa
buhangin. Napakapayapa at kaaya-ayang lugar sa mga taong gustong maligo at
mag-aliw sa tubig dagat.
Maraming kaaya-ayang lugar o paliguan ang
maaaring pagpilian o puntahan pero ang lugar na ito ay isa sa magagandang
paliguan na aming napuntahan. Ang Nasuga Beach Resort ay matatagpuan sa Manapa,
Buenavista, Agusan Del Norte. Ito ay may 30 pesos lang na halaga upang
makapasok. Hindi pa ito gaanong natapos pero maganda at kaaya-aya na itong
tingnan. Kung hindi mo ramdam ang magtampisaw sa tubig dagat meron namang
swimming pool na pwede mong pagtampisawan
Hindi mo talaga maipagkaligta ang kagandahan
at mapayapang lugar na ito, makapagpahinga ka ng maayos at maaaliw ng husto sa
iyong pagtatampisaw.















