Thursday, October 17, 2019

Entry 3: Silid-aklatan

                   Silid aklatan, pagnarinig mo ito, ang unang papasok sa iyong isipan ay mga koleksiyon ng mga aklat. Ang silid aklatan ay nagpapakaloob ng isang makasaysayang kaalaman. Halos lahat ng paaralan ay mayroong silid aklatan dahil isa ito sa pinupuntahan ng mga mag-aaral kapag may gagawin sila ukol sa kanilang asignatura.                            
                                             
Ang silid aklatan ay malaking tulong sa bawat tao, lalo na sa mag-aaral dahil nagbibigay ito ng impormasyon, kaalaman at aral na mapupulot sa mambabasa. Ang mga estudyanteng gusto ng tahimik na lugar ay kadalasang sa library ang kanilang punta. Ang silid aklatan ay tahimik at maraming estudyante ang makikita. 
Sa larangan ng asignatura malaking tulong ang silid aklatan. ito ang pangunahing takbuhan lalo na kong may ginagawa kayong pananaliksik. dito kayo makakakuha ng mga datos na may kinalaman sa inyong pananaliksik, ang mga impormasyon ay kapani-paniwala. 

No comments:

Post a Comment

Entry 10: Nasuga Beach Resort

Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwede kang mag pahinga at magsaya kasama ang kaibigan at pamilya? Paborito mo ba ang dagat? Gusto m...