Wednesday, December 4, 2019

Entry 10: Nasuga Beach Resort



Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwede kang mag pahinga at magsaya kasama ang kaibigan at pamilya? Paborito mo ba ang dagat? Gusto mo bang masaksihan ang paglubog ng araw sa tabing dagat?


Magtampisaw na sa Nasuga Beach Resort!

Isang maganda at perpektong lugar na nag-aantay sayo. Makikita mo palang ang asul na tubig mahihikayat kanang magtampisaw. Masarap sa pakiramdam at mag-aliw sa lugar na may sariwang hangin na nanunuot sa balat. Nakakaaliw sa mata ang magarang tanawin sa buong karagatan lalo na ang  paghampas ng alon sa buhangin. Napakapayapa at kaaya-ayang lugar sa mga taong gustong maligo at mag-aliw sa tubig dagat.



Maraming kaaya-ayang lugar o paliguan ang maaaring pagpilian o puntahan pero ang lugar na ito ay isa sa magagandang paliguan na aming napuntahan. Ang Nasuga Beach Resort ay matatagpuan sa Manapa, Buenavista, Agusan Del Norte. Ito ay may 30 pesos lang na halaga upang makapasok. Hindi pa ito gaanong natapos pero maganda at kaaya-aya na itong tingnan. Kung hindi mo ramdam ang magtampisaw sa tubig dagat meron namang swimming pool na pwede mong pagtampisawan

Hindi mo talaga maipagkaligta ang kagandahan at mapayapang lugar na ito, makapagpahinga ka ng maayos at maaaliw ng husto sa iyong pagtatampisaw.

No comments:

Post a Comment

Entry 10: Nasuga Beach Resort

Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwede kang mag pahinga at magsaya kasama ang kaibigan at pamilya? Paborito mo ba ang dagat? Gusto m...