Ang Magellan's Anchorage ay isa sa mga
makasaysayang lugar sa Butuan na kung saan dinadarayo ng karamihan. Pinaniniwalaan
na dito unang lumapag si Magellan at nakipagdigmaan kay Raja Siaiu.
Ito ay kilala ng karamihan dahil isa ito sa
makasaysayang pangyayari sa ating bansa. Pinangalanan ang lugar na ito na Masao
galing sa salitang ‘masawa’. Ang ‘Masawa’ ay nangangahulugang ‘maliwanag’ sa
Butuanon, ang tanging wika sa Pilipinas na naglalaman na salita.
Kay sarap sa pakiramdam kung kasama mo ang
iyong pamilya o kaibigan sa pamamasyal dito. Nakailang balik na kami at hindi
talaga ito nakakasawang balik-balikan dahil sa napakagandang tanawin. Bukod sa
Magellan’s Anchorage, makikita rin dito ang malawak na karagatan na halos
kinahihiligan ng pamilya na magbonding tuwing may espesyal na okasyon.



No comments:
Post a Comment