Kay sarap pagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw sa gitna ng dagat.
Ang paglubog ng araw ay nagpapatunay na hindi lahat ng wakas ay may hatid na
kalungkutan.
Ang dagat na kay sarap tingnan
Hatid
nito’y kapayapaan.
Sa
bawat paglubog ng araw,
Kasabay
sa pamamaalam ng mga alaala ng kahapon.
Ang
dagat ang saksi ng ating pagmamahalan,
Na
akala ko’y magtatagal ng walang hanggan.
Sa
dagat kung saan nagsimula ang lahat,
Kaligayahan
at pagmamahalan na ‘di masukat.
Sa
bawat hampas ng alon,
Kay
sarap balikan ng mga masasayang alaala na dulot ng kahapon.
Sa
bawat paglubog ng araw,
Nais
kong kapiling ay ikaw.
“Kung
saan nagsimula, doon din magtatapos.”


No comments:
Post a Comment