Arat na sa El Monte De Vida (Holy Cross)
Ang lugar na ito ay matatagpuan sa 3.5 km. Manlangit, Alubijid, Buenavista, Agusan Del Norte. Sa pagpunta namin dito, sumakay kami ng tricycle papunta sa itaas, tapos pagkarating namin doon may mga hagdanan patungo sa tuktok nito kung saan makikita mo ang buong tanawin sa lungsod.
Tinagurian ang lugar na ito na sagrado, dahil hindi lang basta-bastang pasyalan ito kundi maari ka ring mananampalataya o magdasal dito.
Isang napakamapayapang lugar na magandang pasyalan kasama ang pamilya o kaibigan. Masarap sa mata ang magarang tanawin ng buong lungsod dahil kitang- kita mo ang kabuohan nito.napakasariwa ng hangin dahil sa mga punong nakapalibot sa buong paligid. Kapag nasa tuktok kana sa lugar na ito napapawi talaga ang iyong lungkot at pagod na nararamdaman dahil sa matiwasay na kapaligiran.
Kaya ano pang hinihintay nyo, arat na!
PAALALA: Kung ayaw nyong maglakad pauwi, magdala ng
sariling sasakyan.




No comments:
Post a Comment